Oct 9, 2002

Walang pamagat

Siguro
Mas maganda sigurong sabihing sigurado
Na hindi ito ang huling paalam
Kundi simula lamang.
At sa susunod na pagkikita
‘Wag sanang makahon
Sa mga salitang tulad lamang ng
“Kumusta na?”
At “Buhay ka pa pala.”
Kahit papaano kasi
Direkta man o indirekta
Ang kahapong nangyari’y ‘di mabubura
At ‘di maitatangging ito’y naging bahagi
Nang buhay mong napakahaba
Ngunit napakaiksi.
Katulad ng ating pagkakakilala
At pagsasama.
At ‘di mo namamalayan
Bukas, paalam na pala.

Simbang Gabi as a tradition