Jan 31, 2003

shakesperean attempts

entry no. 1
kung mawawala ka
para akong 'di nagtutbras sa umaga.
kung di ka makita
'wag na lang alisin
mga muta sa mata.
at kung 'di ka makakapiling
hayaan nang mag-amoy saging.

mahal kita. . . .

ganyan ang iyong ala-ala
libag sa balat na hindi mabura.

entry no. 2
sabi nila
mabaho iyong hininga
minahal kita.

sabi nila
kili-kili mo amoy paa
minahal pa din kita.

ganyan pala ang pag-ibig
parang bulutong tubig.

wala ka na. . .
may iniiwan pa ding marka.

entry no.3
wala naman talaga akong alam tungkol sa pag-ibig
kung hindi tuwa. . .pait. . .

pero bakit ganoon
sa kabila nang sakit na dinulot
pilit ko pa ding inaabot
ngiti mong parang langit na may kulangot.

Simbang Gabi as a tradition