Oct 13, 2002

Tangan ng tadhana

Katulad ng kandilang pinipilit patayin ng hangin
Iiwang bitin.
Paglalaruan ang apoy
Pero ‘di naman itutuloy.

Katulad ng lastikong parang nais lagutin
Hihigitin
Hanggang humaba at susubukan
Ang kakayanang ‘di maputol
Saka iiwanang may buhol.

Bakit ‘di pa kitilin?
Nang sa ganoon ay tapusin
Ba’t kailangang paglaruan
Ang buhay kong tangan.

Tadhana
Para kang bata.

No comments:

Simbang Gabi as a tradition